Kailangan mo ba ng masarap na masahe? Ang Wensha spa Timog at Pasay ay may offers na talagang magbibigay sayo ng sulit na araw kung gusto mong mag relax at magpahinga. Narito ang ilang mga impormasyon tungkol sa spa.
Ano Ang Opening at Closing time ng Wensha
Ang parehong branch ay hindi nagsasara dahil ang kanilang schedule ay 24 hours na open.
Magkano ang body massage sa Wensha?
Sa ngayon, ang price rate o presyo ng body massage ay Php 880. Pwede itong magbago anumang oras. Ang presyo ng masahe sa spa ay depende rin sa ibang package na kukunin mo.
Ano Ang Mga Facilities sa Wensha Spa?
Sa Timog at Pasay branch, meron silang wet floor na mya sauna, steam room, hot and cold pool o jacuzzi, shower room at scrub room o body wash. May sarili ka ring locker para sa mga gamit.
Magkano Ang Discount?
Kung ikaw ay may voucher galing online, may discount promo at package ang spa na pwedeng bumaba hanggang Php 660. Itanong rin kung maaaring gamitin ang senior citizen ID.
Magkahiwalay Ba Ang Massage Room?
Magkahiwalay ang massage area at wet floor ng babae at lalaki. Ngunit pwedeng magkasabay sa dining area.
Ano Ang Pagkain Sa Wensha?
Iba iba ang menu sa wensha araw araw. Madalas, ito ay Filipino at Chinese foods. Pwede ka rin mag request ng Shabu-shabu na may sabaw.
Magkano ang foot massage, foot scrub, ventosa, facial mask at iba pa? Pwede mo itong itanong sa counter dahil may mga promo package sila na mas makakamura ka.
May Extra Service Ba Sa Wensha Spa?
Maraming extra services ang pwede mong i-avail sa Wensha. Meron silang pedicure, manicure, facial at iba pa. Itanong lamang ang iba pang package offers sa counter. Magkano ang body wash? Pwede mo rin i-avail ang body wash at body scrub sa wensha. Itanong lamang kung magkano ang rates nila ngayon.
Pwede Bang Matulog Sa Massage Room?
Pwede kang matulog ng ilang minuto ngunit ito ay hindi posible kapag maraming tao.
Ano Ang Therapist Sa Wensha?
May male at female therapist sa spa na ito. Pwede kang mag request ng gusto mong therapist.
Pwede Ba Ang Credit Card Sa Wensha?
Pwede mong gamitin ang iyong credit card at debit card para magbayad.
Magkano ang Locker Room Key Kapag Nawala?
Ang charge ay madalas na nakalagay sa reception area. Ito ay 2,000 pesos kapag nawala mo.
Magkano ang Charge Kapag May Natirang Pagkain at Drinks? Ito ay nakalagay rin sa bawat lamesa ng spa.
May Parking Ba Sa Wensha?
Ang parking area sa Timog ay maliit at limitado lamang sa harap ng building. Sa Pasay, mas maluwag ang parking space.
Ilang Oras Ang Pag Stay Sa Loob ng Spa
Pwede kang mag stay sa spa hanggang 8 oras ngunit mas maiksi minsan sa mga promo package.
Pwede ba ang Bata sa Wensha Spa?
May mga customer na nagsasama ng kanilang mga anak. Pwede silang mag-enjoy sa pool at iba pang facilities.
Dapat Ba Nakahubad sa Wensha?
Option mo kung gusto mong maghubad o hindi. Ngunit sa wet floor gaya ng Jacuzzi, steam room at sauna, required na walang underwear. Pwede lamang ang towel na ibibigay ng locker attendant.