Nag- apply ka ba ng SSS retirement benefits? Kung hindi mo pa rin natatanggap ang approval nito, maaring may problema sa iyong application. Alamin ang posibleng dahilan.
Bakit Pending Ang SSS Retirement
Ang retirement benefit ay pwede lang i-apply kapag na meet mo ang mga sumusunod na requirements:
- Nakapag hulog ng 120 months in total
- 60 years old pataas
- Sa mga business owners o self-employed, 65 years old pataas lang ang pwedeng mag apply (kasama ang asawa)
Magkano ang SSS Retirement Per Month
Depende ang iyong monthly pension sa laki ng hulog at kung gaano ka katagal naging empleyado. Ang computation nito ay internal lang sa SSS at ilalagay ito sa iyong account.
Advanced Payment
Kapag nag apply ng SSS retirement, pwede mong piliin ang advance payment hanggang 18 months. Ibig sabihin ay ibibigay na agad sa iyo ang first 18 months na pension.
Paano Mag Apply
Pwede ka na mag apply online. Mag register sa www.sss.gov.ph at i-activate ang iyong account. Tandaan na matatanggap mo lang ang iyong monthly pension kung meron ka nang disbursement bank account na nilagay.
Ang retirement package ay mabilis lamang maaprubahan kung ikaw ay kumpleto sa documents at nameet and basic requirements.
Kailan Makukuha ang Monthly Pension
Ito ay automatic na idedeposito sa iyong bank account kaya important na may approved disbursement account ka sa iyong SSS account.
Gaano Katagal Ang Approval
Ang pending na application ay maaaring tumagal ng 2 to 4 weeks. Kung hindi pa rin ito approved, pwede mong i-check online sa iyong registered account.