Maitim ba ang singit mo? May mga dahilan kung bakit ito nangyayari. Minsan, ito ay dahil sa masikip na underwear o shorts. Pwede ring dahil ito sa sobrang taba. Sa iba, ang pagkakaroon ng fungal infection gaya ng hadhad ay pwedeng makaitim ng singit.
Paano Paputiin Ang Singit?
Ang singit na maitim ay dahil sa balat nito. Kung ikaw ay may fungal infection, dapat mo itong gamutin para hindi kumalat. Antifungal creams ang pwede mong gamitin para rito.
Kung ito naman ay dahil sa kulay ng balat, pwede kang gumamit ng exfliant products. Pwede mo rin ito kuskusin ng dahan dahan gamit ang magaspang na towel.
May mga sangkap ng pagkain na pwedeng makabawas sa maitim na singit gaya ng suka, calamansi o kaya tubig na may asin. Siguruhin lamang na hindi ka allergic sa mga ito bago mo gamitin.
Ang whitening soap at whitening lotion na nabibili sa groceries at botika ay pwede ring makatulong para paputiin ang singit.