Madilaw ba ang ngipin mo? May mga solusyon na pwede mong gawin para bumalik ang pagkaputi nito. Dapat mo muna malaman kung bakit naninilaw ang ngipin ko para mabigyan ito ng tamang solusyon.
Bakit madilaw ang ngipin ko?
May mga dahilan kung bakit ito nangyayari. Una, pwedeng ito ay dahil sa genetics o lahi. Pwede rin itong manilaw dahil sa kinakain mo. Kung ikaw ay naninigarilyo, ito ay pwedeng maging madilaw.
Ano Ang Pampaputi ng Ngipin?
May mga toothpaste na pampaputi ng ngipin. Pwede kang makabili nito sa grocery o botika. Ngunit ang pagputi ng ngipin ay tinatagal ng ilang linggo bago makita ang resulta.
May mga dental whitening strips din na pwede mong gamitin para pumuti ang ngipin. Katulad din ang epekto nito ng whitening toothpaste. Ang isa sa madaling paraan para pumuti ang ngipin at teeth bleaching. Pwede mo ito itanong sa iyong dentista ngunit ito ay may kamahalan.