Maitim ba ang kilikili mo? Minsan, may mga dahilan ito na pwede naman gamitan ng madaling paraan upang pumuti ulit. Kung ikaw ay nag-iisip kung paano pumuti ang kilikili ng lalake o babae man, importante na malaman kung ano ang pwedeng maging sanhi ng pangingitim nito.
Bakit Maitim Ang Kilikili
Sa mga babae, ito ay karaniwang dahil sa pag-aahit o pagbunot ng buhok sa kilikili. Kapag ang balat ay nairita, pwede itong kumapal at maging maitim.
Sa ibang tao, ang maitim na kilikili ay pwedeng dahil sa mga sumusunod:
- Sobrang taba
- Naiirita sa klase ng damit
- Natural na kulay ng balat
- Iritasyon
- Impeksyon sa balat
Paano Paputiin Ang Kilikili
May mga deodorant na pampaputi ng kilikili o underarm. Ito ay kasama na sa pag-prevent ng pawis at amoy.
Pwede ka ring gumamit ng mga acidic na natural whitening agents like calamansi. Kung ikaw ay allergic, importante na mapakonsulta ito sa isang doktor.
Kung ito ay madumi lamang, pwede kang gumamit ng medyo magaspang na tela para matanggal ang pangingitim sa kilikili.
Ano Ang Doktor Para Sa Kilikili
Isang dermatologist ang dapat mong tanungin kung ikaw ay may concerns sa balat at sa kilikili.