Paano Magbayad Ng Amilyar at Magkano Ito?

May titulo ba ang iyong lupain na pag aari? Importante na updated ang iyong tax para hindi ka makasuhan o magkaroon ng penalty. Paano ba bayaran ang real estate tax o yung tinatawag na amilyar?

Ano Ang Amilyar?

Ang amellar ay tinatawag ding realty tax o real estate tax sa English. Ito ay isang buwis na kinokolekta ng local government gaya ng city o municipality.

Tuwing Kailan Ang Bayad Sa Amilyar?

Ang tax o buwis na ito ay binabayaran taon taon. Iba iba ang schedule nito pero sa mga lungsod, karaniwang pinapayong bayaran ito tuwing January.

May Discount Ba Kapag Maaga Nagbayad ng Amilyar?

Oo, ito ay binibigay ng local government para sa mga maagang nagbabayad. Depende sa kung gaano kaaga, pwedeng umabot hanggang sa 20% ang discount.

Magkano Ang Babayaran sa Amilyar?

Depende ito sa city o munisipyo. Ang sukat ng iyong lupain at may epekto rin sa babayaran. Halimbawa, sa Caloocan, ang isang 210 square meters na lote ay umaabot ang amilyar hanggang Php 2,000.

Paano Magbayad Ng Amilyar?

Pumunta lamang sa inyong city hall. Dalhin ang resibo ng nakaraang taon para mas mabilis. Pumila at dalhin sa assessment window.

Pagkatapos, pwede mo na ito idiretso sa cashier ay bayaran. Makukuha mo rin agad ang iyong resibo. Kung may problema, maaaring ikaw ay hingian ng iba pang dokumento.

Kailangan Bang Dalhin Ang Titulo ng Lupa?

Sa mga first time na magbabayad ng amilyar, maaaring ito ay hingiin. Madalas pwede na ang photocopy lang o “xerox” copy. Sa mga regular na nagbabayad, pwedeng ang lumang resibo ng nakaraang taon ang siyang dalhin.

Pwede Bang Bayaran Ang Amilyar Kahit Hindi sa akin Nakapangalan?

Oo, dalhin lamang ang resibo nang nakaraang taon at pwedeng bayaran ang amilyar kahit iba ang may ari.

Paano Mag Compute ng Babayaran sa Amilyar?

Depende ito sa assessed value ng property na multiplied sa rates. Ang iyong city hall ay may computation para sa bawat klase ng lupain gaya ng residential at industrial.

error: Copyright Protected!