Nag-iisip ka ba ng maliit na negosyo? Ang mga banko ay bukas para ikaw ay pautangin. Ngunit kailangan mo muna malaman kung ano ang requirements at steps para makapag business loan.
Mga Requirements
Kung ikaw ay may balak na umutang sa kahit anong commercial banks, importante na maibigay mo lahat ng requirements. Kung ikaw ay savings account depositor, maaaring mas mapabilis ang approval ng iyong loan.
Read: Paano Kumuha ng SSS Loan
Valid ID
Pictures
Payslip
Income Tax Return
Proof of Billing
Maliban sa mga nabanggit, may iba pang documents na hihingiin ng bank na iyong napili. Sundin lamang ang nasa listahan. Ang ilan sa mga posibleng qualifications para makapag-apply ng loan ay:
Not less than Php 15,000 na sweldo o higit
May permanente na tirahan
May proof of billing
Alamin mula sa iyong preferred bank kung ano ang eksaktong qualifications at requirements.
Mga Uri ng Loan
Iba iba ang pwedeng paggamitan ng hiniram na pera sa banko.
Personal loan o salary loan
Business Loan
Car or Auto Loan
Housing Loan
Interest Rate ng Banko
Depende sa banko na iyong napili, ang interest rates ay pwedeng umabot ng 40% sa kabuuan ng iyong loan. Importante na magpa-compute ng maayos mula sa iyong loan processor para malaman kung magkano ang napupunta sa interest rates mula sa iyong bayad.
Loan Penalty
May mga penalty at dagdag na interest kung ikaw ay hindi makabayad sa tamang oras. Ito rin ay ipapaliwanag sa iyo ng banko.
Walang Trabaho
Kung ikaw ay walang trabaho, maaaring magpatulong ka sa isang co-maker o guarantor para maaprubahan ang iyong loan.
Read: Online Work at Home