Paano Kumuha ng Cedula – Ano Ang Requiremets sa Sedula

Kailangan mo ba kumuha ng cedula? Ang sedula ay importante sa mga transactions gaya ng pagkuha ng barangay clearance, pag-apply sa ibang requirements at pwede ring sa police clearance kung kailangan.

Paano Kumuha ng Cedula o Community Tax Certificate

Pumunta lamang sa iyong city hall at gamitin ang form. Ilagay ang mga detalye na hinihingi at pwede mo na makuha ang iyong sedula.

See: Barangay Clearance Fee

Magkano Ang Cedula?

Depende ito sa city hall na iyong pupuntahan. Ito ay considered na isang uri ng buwis at city hall ang magbibigay ng presyo nito. Halimbawa ng mga madalas na presyo ng sedula ay Php 10, 20 o kaya 50 depende sa city hall. Kung ikaw ay may business o negosyo, pwede itong umabot hanggang Php 5,000.

Kailan Makukuha Ito

Agad mo ring makukuha ang cedula sa parehong araw na kumuha ka nito. Madali lamang ang proseso basta naibigay ang tamang details sa form.

Pwede Ba Kumuha ng Cedula Sa Barangay Hall?

May mga barangay at municipal hall na pwede makakuha ng cedula. Importante na kumuha ng form ng sedula para maibigay ang iyong details.

Ano Ang Mga Requirements?

Walang ibang requirement kundi punuin ng tamang impormasyon ang form ng sedula. Ang iyong bayad ay kailangan din bilang patunay na nagbayad ka ng tax. Ang mga sumusunod ay impormasyon para sa sedula:

Full name
Address
Citizenship
Civil status
Profession/Occupation/Business
TIN (tax identification number)
Birthday at lugar
Height o taas
Weight o bigat
Right thumb print
Pirma

Sino Ang Pwedeng Kumuha ng Sedula?

Ang sinuman na tao na edad 18 years old pataas ay pwedeng kumuha ng cedula. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga iba pang transaksyon sa gobyerno o kaya pagkuha ng ID.

Saan Ginagamit Ang Sedula?

Ito ay madalas na requirement sa pag apply ng government IDs o kaya sa pag apply sa trabaho. Ito rin ay kailangan minsan sa pagkuha ng passport.

Pwede Bang Gamitin Ang Sedula Bilang Valid ID?

Madalas na hindi ito tinuturing na valid ID. Ang cedula ay katunayan na ikaw ay nagbabayad ng community tax.

error: Copyright Protected!