Paano Inumin Ang Erceflora Para sa Diarrhea at LBM

Ikaw ba ay may diarrhea o LBM? Isa sa madalas na binibigay ng doktor upang malunansan ito ay Erceflora na isang supplement. Ito ay produkto na iniinom na may lamang lactobacillus.

Paano Ito Inumin?

Dahil ito ay nasa liquid form, maaari itong inumin aumang oras. Ang reseta ng doktor ay dapat sundin kung ito ay may kasamang gamot. Ang Erceflora ay pwede ring ihalo sa anumang inumin o pagkain. May Erceflora na pang bata rin.

See: Erceflora for Kids

Halimbawa, pwede mo itong ihalo sa kape, orange juice, sabaw o anumang pagkain. Wala itong lasa at parang tubig lang ang laman.

Ilang Beses Dapat Inumin?

Ito ay pwedeng inumin tatlong beses sa isang araw ngunit depende rin sa sasabihin ng doktor. Huwag uminom ng sobra ito kung hindi nirekomenda ng isang doktor.

See: Dapat Kainin Pag Diarrhea

Bakit Parang Malabo ang Kulay?

Ito ay natural lamang at walang epekto sa bisa nito. Madalas na kulay puti o may parang usok sa loob ng maliit na bote nito.

Ano Ang Lasa?

Wala itong lasa kaya pwede itong ihalo sa kahit anong pagkain.

Magkano ang Erceflora?

Ito ay may kamahalan ngunit pwede mo itong mabili ng tingi o per bottle na maliit. Ang huilng presyo na nakuha namin ay P27.00 kada isang maliit na boteng plastic.

error: Copyright Protected!