Plano mo na ba mag apply ng trabaho? Ngayon, pwede mo nang simulan gumawa ng resume at cover letter. Pero may ilan na hindi marunong gumawa nito kaya narito ang ilkang tips sa paggawa ng iyong letter of application.
Ano Ba Ang Cover Letter?
Ito ay isang sulat kung saan binabahagi mo ang lahat ng tungkol sayo para magkatrabaho. Ang laman ng cover letter ay simpleng description ng iyong kakayanan, edukasyon at mga nakaraang trabaho.
Pareho lang ba ang Resume at Cover letter?
Sa isang punto, halos pareho lang ito ng nilalaman. Ang resume ay may sariling format na naka summarize na ang mga detalye tungkol sayo. Ang cover letter naman ay parang kwento ng lahat ng karanasan mo sa dating trabaho at edukasyon.
Ito ay simpleng paglalagay lang ng mga credentials mo sa resume na isang liham o kwento. Pwede mo rin itong isulat na parang kumakausap sa employer at ibigay ang lahat ng makakaya mo kung paano ka magiging magaling ng empleyado sa kanila.
Ano Ang Mga Parte Ng Cover Letter
Dapat mong ilagay ang pangalan ng kumpanya, ang head ng HR o human resources, ang date at ang iyong liham. Ilagay mo na lahat ng positibong bagay tungkol sa iyong pagkatao.
May Mga Sample ng Cover Letter ba?
Marami kang makikita na examples sa internet. Gayahin lamang ito at idikit ang iyong resume kapag ipapasa mo na sa kumpanya.