Gust mo bang pumuti ang iyong balat lalo na sa mukha? Ang Kojic Acid soap ay madalas na ginagamit para gawin ito. Pero dapat mong malaman na hindi lahat ng tao ay hiyang sa Kojic Acid kaya importante na hindi ka allergic sa chemicals nito.
Paano Gamitin ang Sabon na Ito?
Kumonsulta muna sa doctor para malaman kung bagay ito sa iyong balat. Ayon sa research online, pwede itong gamitin kahit once a day kapag ikaw ay maghihilamos ng mukha. Huwag mo lang ito direktang ipapahid sa mukha. Maglagay lamang sa kamay na may kasamang tubig. Pagkatapos ay gamitin ito sa mukha ng marahan. Iwan ng ilang minuto ang Kojic Acid soap para mas maging epektibo ito. Kung makakaranas ng allergic reaction, banlawan agad. Matapos ay banlawan ang mukha ng malamig na tubig. Punasan at patuyuin.
Ano ang Kojic Acid Soap
Ang Kojic Acid na sabon ay popular na pampaputi ng balat.
Ano Ang Benefits ng Kojic Soap?
Ito ay nakakaputi ng balat. Pwede rin itong gamitin sa leeg at batok at iba pang bahagi ng katawan.
May Side Effects Ba Ang Kojic Acid Soap?
May ilang tao na nagkaroon ng mahapdi na balat, pangangati at mga pulang marka. Kung ikaw ay may allergy, ihinto ang paggamit nito ay magpakonsulta sa doktor.
Gaano Katagal ang Resulta ng Kojic Acid Soap?
Ang epekto ng Kojic acid soap ay depende sa iyong balat. Magbigay ng mga ilang araw para makita ang resulta nito.
Magkano ang Kojic Acid Soap?
Depende sa brand pero ang madalas na presyo nito ay mula Php 195 hanggang Php 500.
Warning: Huwag gumamit ng produktong ito kung hindi recommended ng isang dermatologist o doctor. Itanong sa isang doctor o pharmacist kung ito ay bagay sa’yo.