Paano Gamitin Ang Bactidol Para sa Sore Throat

Masakit ba ang lalamunan mo? Maaaring may tonsillitis ka o kaya naman ibang klaseng impeksyon. Kung ikaw ay binigyan ng reseta ng doktor upang gamitin ang Bactidol, dapat mong malaman ang tamang gamit nito.

Paano Ginagamit ang Bactidol

Ang Bactidol ayon sa label nito ay pwedeng gamitin ng direkta. Imumog lamang ito ng may sapat na 15 to 20 ml sa iyong bunganga at siguruhing mahugasan nito ang bandang lalamunan. Mabisa ito na matanggal ang mga bacteria. — Ano ang mga Dahilan ng Sore Throat

Pwede Ba Haluan ng Tubig Ang Bactidol

Ayon sa label instructions, dapat itong gamitin ng full strength na ang ibig sabihin ay hindi na kailangan lagyan ng tubig.

Gaano Kadalas Gamitin Ang Bactidol

Pwede mo itong gamitin ng umaga at gabi sa loob ng 30 seconds kada mumog.

Magkano Ang Bactidol

Ang presyo ng Bactidol sa mga botika, ang maliit na bote ay pwedeng nasa Php 80 to Php 120.

error: Copyright Protected!