Bitin ka ba sa pag withdraw mula sa iyong ATM account? Kapag may importanteng bayarin, dapat na mas maraming option kung paano makakuha ng mas malaking withdrawal amount sa ATM.
Paano Mag-Increase ng Withdrawal Limit
Sa mga taong may mobile app ng kanilang bangko, maaari na itong gawin sa pag-adjust ng daily limit. Ilang halimbawa nito ay BPI at BDO mobile apps.
Para sa BPI app:
- Pumunta lamang sa app at mag log-in
- Makikita sa profile ang daily transfer limit General Settings
- Pumunta sa Transactions
- Pumunta sa Customize Transaction Limits
- I-adjust ang limit base sa iyong pangangailangan
Pasa sa BDO app:
- Pumunta sa Security Management
- Click and Set Card Limits
- I-adjust and ATM withdrawal limit
Magkano Ang Pwede Idagdag sa Withdrawal Limit
Makikita mo na ang transfer, ATM withdrawal, online payments ay may iisang limit lamang. Kung ang ibang transactions ay i-adjust sa zero, pwede mong i-maximize ang withdrawal limit hanggang Php 200,000 depende sa bank rules.
Gaano Katagal
Gaano katagal ma-approve ang withdrawal limit. Kung ito ay gagawin sa app, ang limit increase ay instant. Pwede mo na itong i-withdraw sa ATMs.
Kung ikaw naman ay may oras, ang pag withdraw over the counter ay pwede ring gawin ng single transaction lamang. Dalhin ang iyong passbook or ATM card.