Paano Ayusin Ang Digibox ng Cignal?

May account ka ba sa Cignal? Kung ito ay walang signal, walang picture o putol putol ang picture, dapat mong malaman kung paano ito ayusin. Minsan walang sound ang Cignal dahil din sa masamang panahon.

Steps Para Maayos ang Cignal Digibox

  • Tanggalin ang saksakan sa wall outlet
  • Maghintay ng 10 seconds
  • Isaksak ulit at sindihan ang Cignal box

Kung may problema pa rin at sira ang picture o putol putol, pwedeng tanggalin muna ang Cignal smart card ng ilang segundo at patayin ang box.

Ibalik ang card at sindihan ang digibox.

Sindihan muli ang box at tingnan kung naayos na.

Bakit Nasisira ang Picture ng Cignal?

Isa sa posibleng dahilan ay pagkakaroon ng maulap na langit, umuulan o bumabagyo. Dapat mo rin malaman kung paano i-adjust ang Cignal satellite dish at ipwesto ito sa tamang direction.

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Walang Signal?

Alamin ang status ng iyong account kung ito ay disconnected.

Check mo rin ang koneksiyon ng cable at HDMI

Tingnan kung may power ang digibox

I-check ang TV mismo baka ito ang dahilan ng walang picture

error: Copyright Protected!