May mga bulok na ngipin? Kung may butas o biyak ang iyong ngipin, pwede itong malunasan sa pamamagitan ng pasta o tooth filling. Magkano ba ang dental pasta sa molars, ngipin sa harap at pangil?
Magkano Ang Pasta Sa Ngipin
Ang mga normal na pasta sa medium sized na butas ay nagsisimula sa Php 750 kung ito ay maliit lamang. Ngunit pwede itong umabot ng 800 to 1000 depende sa laki ng gagawin na butas.
Narito ang price list ng pasta sa ngipin
- Harap (incisors) – Php 900 to Php 1,200
- Pangil (canine) – Php 900 to Php 1,000
- Bagang (molars) – Php 1,000 to Php 1,500
Madalas, mas mahal ang pasta ng bagang kaysa sa harapan na ngipin. Mas maraming materyales ang kailangan para matakpan ang butas sa bagang.
Look: Presyo ng Root Canal
Tooth filling ang tawag nito sa English. Ito ay pwedeng silver amalgam o composite resin na materyales. Ang presyo ng pasta sa ngipin ay depende rin sa materyales na gagamitin.
Gaano Katagal Ang Pasta Sa Ngipin
Depende sa pag-nguya at materyales, ang ilan ay pwedeng tumagal ng maraming taon. Ngunit kailangan ng tamang pag-aalaga sa ngipin at hindi pagkain ng matitigas na pagkain.
Mga Klase ng Pasta sa Ngipin
- Composite Resin – madalas na kakulay ng ngipin
- Silver Amalgam
- Gold
Mas mahal ang pasta sa ngipin sa harap dahil kailangan maingat ang dentista na gagawa nito lalo na kung mas mahal ang materyales.
Dalawa Ang Butas Ng Ipin Pwede Ba Pastahan
Pwedeng magkasabay ang pagpasta ng ngipin. Ngunit halos doble rin ang presyo nito. Itanong sa dentist kung magkano ang pasta sa ngipin na dalawa ang butas.
Pwede Ba Magpa Pasta ng Ngipin Kapag Masakit?
Kung sumasakit ang ngipin, maaaring irekomenda muna ng doctor na linisin ito. Kung may infection, antiobiotics ang pwedeng maibigay ng dentista. Ngunit sa malalang kaso, ang root canal ay madalas na ginagawa para hindi na ulit sumakit ang ngipin.
Magkano Ang Bunot Ng Ngipin?
Ito rin ay depende sa lokasyon ng ngipin at kung gaano ito kahirap. Mas mahal ang mga wisdom tooth dahil ito ay nasa dulo.
May Warranty Ba ang Pasta
Ang ilang dentista ay pwedeng magbigay ng warranty sa pasta lalo na kung ito ay may mamahaling materyales. Ngunit ang mga pasta sa ngipin ay matibay lamang depende sa iyong pag-aalaga nito.