Gusto mo bang ipasok ang iyong anak sa Kumon? Meron silang inooffer na programs para sa Math at Reading English. Kung gusto mo na ma-train ang iyong anak, pwede mo siyang i-enroll sa pinakamalapit na branch.
Magkano Ang Tuition Fee Sa Kumon?
Ang Kumon Philippines ay nag-ooffer ng free trial tuwing September. Pwede mo silang kontakin at itanong ang free trial na ito para malaman kung paano sila nagtuturo. Madalas, ang Kumon Free trial ay umaabot ng 2 weeks.
Grade 6 below – Php 2000
Grade 7 pataas – Php 2150
*ang tuition fee rates ay base sa online resources ng Kumon Philippines at pwede itong magbago anumang oras.
Anong Grade Pwede Pumasok Sa Kumon?
Wala itong pinipiling grade. Mula kinder hanggang college, pwede mag-enroll. Dapat mo lamang alalahanin na ang resulta sa exam ang magiging reference kung anong grade level ang pwedeng simulan ng iyong anak.
Ang Kumon Ba Ay Tutorial Service?
Hindi ito tutor center dahil may binibigyan ng pansin nito ang training para sa Math at Reading.
Ano Ang Requirements Sa Kumon?
Pumunta lamang sa malapit na branch at magpa-evaluate. Dito malalaman kung anong grade level ang kayang simulan ng iyong anak.