Nais mo bang mag withdraw ng malaking halaga mula sa ATM? Dapat mong tandaan na lahat ng banko ay may limit kada araw. Importante na malaman mo ang maximum daily limit sa ATM para maplano mo mabuti ang iyong transactions.
Limit Sa ATM Withdrawal Per Day
Ang bawat bangko ay may set limit para makapag withdraw ang client mula sa ATM. Madalas, ang minimum nito ay Php 20,000 kada araw. Ngunit depende sa iyong bank, maaaring makapag withdraw ng mas mataas.
See: Paano Increase ang ATM Limit
Asia United Bank
Php 50,000 per day
BDO
Php 50,000 per day
BPI
Php 20,000 to Php 50,000 per day depende sa account type
Chinabank
Php 50,000 per day
Metrobank
Php 30,000 per day
Over The Counter Withdrawal Limit
Maraming bangko ang walang limit kapag nag withdraw mula sa over the counter transaction. Ipakita lamang ang iyong Passbook o ATM at pwede ka na mag-withdraw ng kahit anong amount.
More: Ano Ang Gagawin Kapag Kinain ang ATM Card
ATM Withdrawal Charge
Magkano ang charge sa ATM Withdrawal? Kung gagamit ka ng ATM mula sa ibang bangko, dapat mong malaman kung magkano ang fee at charge nito. Ito ay posibleng mulan Php 1 hanggnag Php 18.
Alamin ang latest ATM withdrawal charge sa mga bangko para makatipid sa fees.
Related: Ayaw Basahin Ang ATM Card
Ilang Beses Pwede Mag Withdraw sa Isang Araw
Walang limit ang pag withdraw mula sa ATM. Ngunit dapat mong tandaan na iba iba ang limit ng halaga na pwede mong i-withdraw kada araw. Ang maximum na amount na pwedeng mong gawin sa ATM ay Php 10,000 per transaction.