Naghahanap ka ba ng murang computer para sa online school ng iyong anak? Important na malaman mo ang presyo ng desktop PC para maihanda ang iyong budget. Ilan sa mga computer stores ngayon ay nagbibigay ng discounts.
Price List ng Computer para sa Online Class
Ang desktop computer ay maraming parts. Ilan sa mga ito ay magbibigay ng presyo sa kabuuan. Depende sa specs at features, ang isang desktop PC ay pwedeng magkaroon ng sumusunod na price list:
Processor – Php 3000
Motherboard – Php 3500
Casing – Php 900
RAM – Php 600
Hard Drive – Php 2000
Ang presyo na ito ay base lamang sa CPU. May iba pang gastusin base sa parts gaya ng mga sumusunod:
Keyboard – Php 150
Webcam – Php 600
Headset – Php 200
Mouse – Php 200
Depende sa brands at specs na iyong kukunin, ang isang complete desktop computer na magagamit sa online school ay pwedeng umabot mula Php 12,000 hanggang Php 15,000 bilang basic computer.
Software at OS
Ang computer ay kailangan din magkaroon ng operating system o program para ito ay magamit. Isa sa pinakapopular ay Windows. Ang program na ito ay pwedeng umabot ng Php 5,000 to Php 15,000 depende sa version. Itanong ito sa computer store kung magkano ang latest price.
Computer Stores na Mura and Price List
Maraming computer stores ang makikita sa malls. Ngunit sa Metro Manila, pwede kang maghanap ng shops lalo na sa Gilmore sa Quezon City kung saan mas mura ang compuer parts.
Computer Package
Kung ikaw ay interesado sa computer packages, alamin mabuti kung ano ang specs nito. Minsa, mas makakamura ka sa package dahil may kasama na itong operating system program.
Installment Payment
Para sa iba, ang pagbili ng computer ay mas convenient kung ito ay may 0% interest at installment payments. Pwede kang bumili nito lalo na sa malls. Ang iyong credit card ay gagamitin para maka avail ng installment planng desktop computer.