Minsan, kailangan na nating kumuha ng pera sa bank account. Kaso, hindi tayo agad makahanap ng ATM para sa ating banko. Dahil dito, pwede tayo mag withdraw gamit ang ATM ng ibang banko.
Magkano Ang Charge Sa ATM?
Kung ikaw ay gagamit ng ATM ng iyong banko, ito ay libre. Ngunit kung ikaw ay gagamit ng ibang brand, pwede kag macharge ng simula P12.00 hanggangh P15.00.
Kung gagamit ka ng foreign bank account, ilan sa karaniwang charge ay P200.00.
Saan Pwede Mag Withdraw?
Makikita mo sa iyong ATM card kung ito ay may logo ng Bancnet, Express Net, Megalink, Mastercard, Cirrus o VIsa. Ang ATM na merong ganitong logo ay pwedeng gamiting para makapakuha ka ng pera. Ilan sa mga popular na banko ay BDO, BPI, Metrobank, Security Bank, PSBank, Landbank, Asia United Bank, RCBC, UCPB at iba pa.