Bakit Ayaw Basahin Ang ATM Card – Hindi Makapag-Withdraw o Balance Inquiry

May ATM card ka ba? Kung ikaw ay nakaranas ng cannot read card na error, hindi ka nag-iisa. Minsan, simple lang ang solusyon para basahin ulit ang iyong card at makakuha ng pera mula sa machine.

Bakit Cannot Read Error ang ATM Card ko?

Ilan sa mga posibleng dahilan kung bakit ayaw basahin ang iyong card ay:

  • Sira ang magnetic strip
  • Madumi ang ATM card
  • May crack o bali ang card
  • Expired na ang card
  • Blocked ang account mo
  • Sira ang ATM

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Hindi Mabasa Ang ATM Card?

Pwede mo munang punasan mabuti ang card para matanggal ang mga dumi lalo na sa magnetic strip nito. Kung may napansin kang bali o crack, papalitan ito sa iyong bangko.

Mga ATM Card Banks Na Pwede Makaranas Nito

Halos lahat ng bank atm ay pwedeng makaranas ng ganitong error. Ilan sa mga ito ay:

BDO

BPI

Metrobank

Security bank

Chinabank

Unionbank

Citibank

Paano Mag Replace ng ATM Card?

Pumunta lamang sa iyong bank at mag request na palitan ang card kung ito ay may sira na o damaged.

Magkano ang ATM Card Replacement Fee?

Ito ay depende sa bangko mo. Pwede itong mula Ph150 hanggang Php300.

error: Copyright Protected!