Ikaw ba ay mahilig mag gym at magpalaki ng muscles? Importante na tama ang mga ginagawa mong routines at importante rin ang pagkain. Kung ikaw naman ay kinukulang sa pagkain ng protein, may ilang supplements na makakatulong para mapunuan ang kakulangan na ito.
Supplements Para Pampalaki ng Muscles
Ang mga supplements na pwedeng makatulong sa muscle building ay Whey Protein, Casein Protein at ilang BCAAs. Ang mga ito ay mga produkto na madalas nirerekomenda ng mga nagpapalaki ng muscles.
Magkano Ang Whey Protein Supplements?
May kamahalan ang mga ganitong supplements at ang karaniwang presyo nito ay mula 1500 hanggang 5000 depende sa brand at sa bigat.
Mga Pagkain Para Lumaki ang Muscles
Kung hindi ka sanay mag take ng supplements o kaya naman masyadong mahal ito, makukuha mo pa rin ang mga sustansya ng protein, carbohydrates at fats sa mga pagkain. Ito ay gaya ng dairy, chicken at nuts.
Anong Brand ng Whey Protein Supplement ang Maganda?
Depende ito sa iyong budget. Kung ikaw ay bibili ng kahit anong brand, alamin kung ilang grams ng protein per serving ito.