Masakit ba ang tiyan mo dahil sa LBM? Kung ikaw ay may diarrhea, importante na ikaw ay hindi umabot sa dehydration. May mga paraan upang ito ay maiwasan at alamin ang mga pagkain na makabubuti sa iyong LBM.
Anong Pagkain Ang Dapat Kainin Kapag Nagtate o May Diarrhea?
Nirerekomenda ng doktor na kumain ng saging dahil ito ay nakakatulong para paging buo ulit ang iyong dumi. Uminom din ng maraming tubig lalo na yung may electrolytes para maiwasan ang diarrhea.
Ang pagkain ng saging ay natural laman ngunit dapat mong alamin kung ikaw o ang ibang tao ay may allergy dito. Huwag basta bastang gawing gamot ang saging para sa LBM dahil hindi ito tinuturing na gamot para sa sakit. Marapat na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor para sa iyong diarrhea.
Ano Ang Dapat Iwasan sa LBM o Diarrhea?
Umiwas muna sa mga pagkain na mahirap tunawin gaya ng dairy products, mga matitigas na karne at mga pagkain na mamantika.