Paano Magpalit ng Pangalan Sa SSS na Iba sa Birth Certificate?

Magkaiba ba ang pangalan mo sa birth certificate at SSS number? Kung ito ang problema mo, baka mahirapan ka makapag-file ng loans at claims lalo na kapag ikaw ay pwede nang magkaroon ng pensyon. Importante na mapalitan ang name sa SSS ayon sa birth certificate o kung anuman ang tama sa isa’t isa.

Paano Mag Change of Name sa SSS

Paano mapalitan ang pangalan ko sa SSS? Pwede kang pumunta sa pinakamalapit na SSS branch para makakuha ng form ng change of name. May mga ilang kondisyon kung bakit ito nangyayari:

  • Mali ang pangalan sa SSS at birth certificate
  • Bagong kasal o married name

Ano ang form para sa pag-update ng pangalan o change of name sa membership record date? Ang form na pwede mong gamiting ay tinatawag na E-4 o member data change request form.

Kailangan mo rin mag-update ng civil status kung ikaw ay babae na maging single to married.

Ano Ang Mga Requirement sa Pagpalit ng Pangalan?

Kailangan mong magdala ng birth certificate na galing sa Philippine Statistics Authority o kaya naman ay passport. Paano kung wala ako ng mga ito? Pwede kang mag file ng no birth record galing sa local civil registrar.

Magkano Ang Processing Fee?

Wala itong bayad ngunit maaari mo ring itanong ito sa naka-assign na SSS staff agent sa iyong branch.

 

 

error: Copyright Protected!