Paano Magsimula ng Food Cart Business

Ikaw ba ay naghahanap ng business na pwedeng kumita kahit sa maliit na puhinan o capital? May mga franchising business na pwede mong pasukin na hindi kailangan na malaking pera, ito ay ang food cart business.

Ano Ba Ang Food Cart?

Ito ay isang uri ng tindahan kung saan pwede kang pumuwesto kahit saan. Ito ay portable at madalas na may gulong. Ngunit pwede rin itong nakalagay lamang sa isang lugar pero pwede ka pa rin magtinda sa mga dumadaan na tao.

Paano Magsimula ng Food Cart?

Importante na desidido ka kung ano ang ititinda mo sa food cart. Ilan sa mga popular na paninda ay:

  • Fishballs, squidball, kikiam, chicken balls
  • Fried Rice
  • Siomai
  • Palamig gaya ng sago at gulaman
  • Hotdog footlong sandwich
  • French fries

Ano Ang Kailangan na Requirements?

Depende sa kung saan ka maglalagay ng food cart, ang ilan sa mga requirements ay business permit at sanitation permit. May iba pang kailangan na dokumento kung ikaw ay maglalagay ng cart sa mga mall at iba pang commercial areas.

Magkano Ang Puhunan sa Food Cart?

Ang capital sa food cart franchise ay mas mataas kaysa sa kung ikaw mismo ang gagawa ng pangalan o brand. Ang ilan sa mga sikat na franchise ay may halagang 200,000 hanggang 400,000 na franchise fee.

Ngunit kung ikaw mismo ang gagawa ng produkto, maaaring kailanganin mo lang ang halagang 30,000 hanggang 90,000 depende sa gastusin sa facilities at ingredients.

Saan Dapat Maglagay Nito?

Ang matataong lugar ang pinakamagandang lokasyon para sa food cart. Ilan sa mga halimbawa nito ay paaralan o ekwelahan, computer shop, sinehan, terminal ng jeep o UV express at iba pa.

error: Copyright Protected!