Paano ba gumawa ng resume kapag bagong graduate? Marami ang nagtatanong nito ngunit upang maging simple, kailangan mo lang malaman kung ano ang parts ng resume.
Ano Ba Ang Resume?
Ito ay isang dokumento na kailangan isulat ng aplikante sa trabaho. Kung ikaw ay bagong graduate, mas lalo mong kailangan na pagandahin ang resume mo para madali ka makakuha ng trabaho.
Mga Parts
Ang resume ay may hawig sa istruktura ng bio data. Ang mga sumusunod ay dapat na nakalagay sa resume mo:
- Name
- Contact Details
- Objective
- Work Experience kung meron na
- Educational Background
- List of Skills
- Mga Diploma o Certification kasama ang training
- Reference na mga tao
Ano Naman Ang Cover Letter?
Ito ay dagdag na dokumento kung gusto mong sumulat ng salaysay tungkol sa iyong profile. Pwede mo rito ilagay ang mga karanasan mo sa trabaho at pag-aaral.