Madalas na ang pagtutuli ay ginagawa sa mga may edad 12 pataas. Ngunit kung ikaw ay adult na at hindi masaya sa itsura ng iyong pagkakatuli, pwede pa ba itong baguhin?
Oo, pwede pa ring ipabago ang itsura ng balat sa pagkatuli kahit matanda na. May tinatawag na “circumcision revision” na kung saan inaayos ang balat ayon sa gusto ng pasyente.
Mga Dahilan
Depende sa paningin ng pasyente, ang ilan sa dahilan ng pagpapaayos ng tuli ay:
- Nakalaylay ang balat
- Maitim at may peklat ang balat ng tuli
- Nakabukol ang balat
- Hindi makinis ang ari
Magkano ang pagpapaayos ng tuli? May kamahalan ang presyo nito na nagsisimula sa Php 5,000 pataas. May ilang factors kung bakit ito mas mahal kaysa sa regular na circumcision. Ito ay dahil iba na ang tissues ng matandang lalaki. Maaring may komplikasyon din gaya ng infection ang pwedeng mangyari kung hindi maayos ang paggawa.
Anong doktor ang pwede sa tuli revision? Ang isang general surgeon ay pwedeng gumawa ng pagtutuli kahit sa male adult patients. May ilang urologist din na pwedeng gumawa nito depende sa specialization.
Saan pwede magpaulit ng tuli? Sa mga ospital, may special programs ang urology or surgery department para rito. Mas makakabuti na kumonsulta muna sa isang doktor para magkaroon ng referral.
Gaano Katagal Ang Sugat? Depende sa iyong kalusugan, ang pag-uulit ng tuli ay pwedeng makarecover mula 5 to 7 na araw. Sundin lang ang doktor pagdating sa gamot at paglilinis.