Ikaw ba ay SSS member? Pwede ka na mag-avail ng personal loan o calamity loan. Sa kasalukuyan, importante na malaman mo ang option na ito kung kailangan mo ng personal loan. Maaari kang makakuha ng pautan mula sa SSS kung ikaw ay qualified member.
Paano Mag-Apply ng Salary Loan sa SSS
Kung ikaw ay may SSS app, pwede mo na agad makita kung qualified ang account mo. Mag log in lamang at pindutin ang link ng My Loans
Makikita mo ang tatlong options:
- Salary Loan Status
- Salary Loan Balance
- Apply for Salary Loan
- I-click ang Apply for Salary Loan upang magsimula ang proseso.
Pwede rin mag-apply ng loan manually. Mag fill up lamang ng Member Loan Application Form at dalhin ang SSS digitized ID. Pwede rin dalhin or E-6 (acknowledgement stub) kasama ang 2 valid IDs.
SSS Contact number for Loan Application Inquiry:
SSS Trunkline: 920-6401
SSS Call Center: 920-6446 to 55
Ano ang Requirements sa SSS Salary Loan
Kailangan na updated ang payments ng iyong account para makapag apply.
- Sa 1 month salary loan, dapat na nakapagbayad ka ng kabuuang 36 months.
- Sa 2 months salary loan, dapat na nakapagbayad ka ng kabuuang 72 months.
- Dapat din na ang huling 6 months na binayaran mo ay nasa loob ng 12 months.
Sino Ang Pwede Mag Apply ng Salary Loan ng SSS
Ang sinumang member ay pwedeng mag-apply. Ito ay pwede sa employed, self-employed at voluntary members.
Magkano ang Interest ng SSS Salary Loan
Ayon sa SSS, ang interest ng salary loan ay 10% per year. Importante na ito ay mabayaran ng nasa oras para hindi masira ang iyong record.
Gaano Katagal Pwede Bayaran ang Loan
Ang SSS ay nagbibigay ng hanggang 24 months. Ang hindi pagbayad sa oras ay magkakaroon ng interest na 1% kada buwan.
References: SSS