Ano Ang Dahilan Ng Sore Throat

Masakit ba ang lalamunan mo kapag lumulunok? Ito ay pwedeng dahil sa sore throat. Ang sore throat ay pwedeng dahil sa infection o kaya naman ay irritation sa iyong lalamunan. Bakit ako meron nito?

Sanhi ng Sore Throat

Ito ay pwedeng infection ng bacteria. Kapag humina ang iyong resistensya, pwede kang magka-sore throat. Ang ilang namang dahilan ay dahil sa kinain o kaya naman ay irritation. Ilan sa mga karamdaman na pwedeng sanhi ng sore throat ay virus infection gaya ng Covid 19, trankaso, tigdas o measles, ordinaryong sipon o kaya allergies ayon sa Mayoclinic.

May Gamot Ba Sa Sore Throat?

May mga gargles o mouthwash gaya ng Bactidol na nabibili sa botika. Ngunit may ilang pagkakataon na ang malalang sore throat ay kailangan gamitan ng antibiotic. Kumonsulta sa isang doctor para malaman kung ano ang bagay sayo.

Tandaan, huwag basta gagamit ng kahit anong produkto o gamot nang walang payo ng doctor. Kumonsulta muna sa iyong doctor bago gumamit ng mga ito. Pwede ring magtanong sa isang pharmacist kung ano ang bagay na gamot para sa iyong sore throat.


Comments

One response to “Ano Ang Dahilan Ng Sore Throat”

  1. […] Dahilan ng Sore Throat. Ang Bactidol ayon sa label nito ay pwedeng gamitin ng direkta. Imumog lamang ito ng may sapat na […]

error: Copyright Protected!