Palaging masakit ang ngipin? Isa sa posibleng irekomenda ng iyong dentista ay ang root canal. Ito ay magbibigay sa iyo ng ginhawa mula sa sakit ng ngipin upang ito ay ma-save mo pa at hindi bunutin.
Ano Ang Root Canal?
Ito ay isang proseso kung saan ang nerves sa loob ng iyong ngipin ay pinapatay o tinatanggal. Ito ang nagbibigay sayo ng masakit na pakiramdam kapag may sira o bulok na ang ngipin.
Magkano Ang Magpa Root Canal
Ang root canal ay mahal. Depende sa iyong dentista, siya ang magbibigay ng estimate kung magkano ang iyong gagastusin.
Una, bibilangin niya kung ilan ang roots na lilinisin. Pangalawa, sasabihin niya sayo kung ilang sessions o ilang beses kang babalik para sa treatment.
Tandaan, ang root canal ay hindi lang isang beses ginagawa sa isang ngipin. Pwede itong umabot hanggang 4 sessions kaya babalik-balik ka para sa treatment na ito.
Base sa aming experience, ang root canal para sa bagang o molar ay umaabot ng Php 25,000.
Sa isang bagang, na may 4 na roots at 3 sessions, ang total ng aming bill ay Php 25,000. Iba ang magiging presyo para sayo depende kung ilan ang roots at sa price quote ng dentista.
Benefits ng Root Canal
Kung gusto mo i-save ang iyong ngipin na laging sumasakit, pwede ang root canal sayo. Pero dapat mo munang itanong sa iyong dentista kung bagay sayo ang treatment na ito.
May ilang pagkakataon na sa sobrang bulok ng ngipin, kailangan na itong bunutin
Pagkatapos ng root canal, kailan na itong isara. Dahil butas pa ito, dapat na lagyan ito ng dental crown o tinatawag na jacket. May kamahalan din ito depende sa materyales. Sa ming experience, ang metal crown ay nasa Php 2,500.
Masakit Ba Ang Root Canal?
Sa umpisa, pwedeng makaranas ng kaunting sakit habang inaalam ng dentista kung nasaan ang nerves. Pero ikaw ay bibigyan ng anesthesia para hindi mo na maramdaman ang sakit habang tinatanggal ang nerve roots.
Kailangan Ba Ang Crown?
Oo para ito ay magsilbing pangsara sa butas ng root canal. Ito rin ang magpapatibay ng iyong ngipin. May ilang tao na hindi nagpalagay ng root canal kaya nasira din ang ngipin nila matapos ang root canal dahil wala nang support sa loob nito.