Ang postal ID ay pwedeng gamitin bilang isang valid ID. Kung ikaw ay may panahon na kumuha nito, alamin kung ano ang mga requirements para mas mapadali ang proseso.
Ano Ang Postal ID?
Ito ay isang ID na binibigay ng Philpost na valid para sa pagkakakilanlan ng isang tao. Pwede itong i-consider na isang valid ID para sa iba pang transaction.
Requirements sa Pagkuha
Ang pag-apply o pagkuha ng postal ID ay may requirements na sumusunod:
2 copies ng application form
Proof if Identity documents gaya ng:
- Birth Certificate galing sa NSO or Local Civil Registry
- GSIS o kaya SSS UMID Card
- Valid Driver’s License
- Valid Passport
Proof of Address
Ang mga ito ay pwedeng billing statements na may address ng applicant.
Presyo ng Postal ID
Magkano ang postal ID application? Ang postal ID kasama ang delivery ay Php 450.00. May dagdag itong VAT na Php 54.00 kaya ang lahat ng babayaran ay aabot sa Php 504.00 ayon sa Postal ID ph.
Validity ng Postal ID
Gaano katagal valid ang postal ID. Ang new and improved postal ID ay valid hanggang 3 years o tatlong taon. Ito ay may expiration din kaya dapat i-renew. Sa foreign residents, ang validity ay 1 year.
Mga Pwedeng Mag Apply ng Postal ID
Sino ang pwedeng kumuha ng postal ID? Kahit sinong Pilipino ay pwedeng mag apply nito. Ang mga foreign residents naman ay kailangang 6 months na nananatili sa Pilipinas.
Paano Kumuha
Ang proseso ng pag-apply ay madali lang.
Mag fill out lang nga Postal ID application form at bayaran sa malapit na post office sa inyong lugar.
Kailangang dala mo na rin ang requirements bago ka mag-apply at magbayad.
Pagkatapos, pumunta sa ID capture stations. Kapag ikaw ay may picture na at fingerprint, ipapadala na ang iyong ID gamit ang delivery service.
Gaano Katagal Bago Madeliver ang Postal ID
Ito ay pwedeng matanggap ng 10 to 15 days sa Metro Manila at mga 4 weeks sa provincial addresses.
Requirements sa Renewal ng Postal ID
Mas madali ang pag-renew. Isubmit ang 2 copies ng application forms at ang photocopy at original na lumang basic ID o New Improved Postal ID.