Magbabayad ng SSS contribution? Maliban sa mga SSS payment centers sa main branches, pwede mo na bayaran ang iyong bill sa accredited banks. Sa malls, pwede mo na rin i-submit ang iyong bayad per month.
Ano Ang Pwedeng Bayaran
Pwede ka magbayad para sa Voluntary, Self Employed, OFW o kaya Employer accounts. Kailangan mo lang dalhin ang paper form PRN para ma-process ang iyong payments. Tanging PRN lang ang tinatanggap para makapagbayad ng contribution.
Mga Banko Na Tumatanggap ng SSS Contribution Payment
Asia United Bank
Unionbank
Security Bank
Bank of Commerce
PNB Savings Bank
BPI
Philippine Business Bank
Wealth Development Bank, Inc.
SSS Payment Sa SM Supermarket at Hypermarket
Pwede mo na rin bayaran ang SSS na may PRN sa mga SM malls. Pumunta lamang sa customer service booth na may bills payment at ibigay ang iyong bill PRN form. Maaaring tumagal ng ilang araw bago pag-appear ang payment sa iyong account.
Pwede Ba Ang Checke Sa SSS Payment?
Tanging cash payment pa lamang ang nasusubukan bilang bayad sa SSS. Maaaring tanggapin ang check sa mga banko. Ilagay ang tamang amount sa check at mag-process ng payment na over the counter.
SSS Online Payment
Sa ngayon, hindi pa namin nasususbukan ang online payment. Ngunit maraming channels na pwedeng gamitin gaya ng sa mga banks at department stores.
Source: SSS Website