Bakit Walang Dial Tone Ang PLDT Landline Ko?

Ang PLDT landline ay pwedeng gamitin para sa local, domestic at international calls. Ito ay ginagamit sa residential at commercial o business lines. Minsan, pwede kang makaranas ng walang dial tone sa landline. Ano ba ang mga dahilan nito ay paano ito ayusin?

Bakit Walang Dial Tone ang PLDT Landline?

Iba iba ang dahilan ng pagkawala ng dial tone. Isa na rito ay ang sirang phone unit. Ang standard na free landline phone na binigay ng PLDT sa iyong account ay pwedeng may damage.

Kung ikaw naman ay gumagamit ng third party phone na sinasaksak sa kuryente, posibleng ito rin ay may damage. Tingnan kung meron pa itong power para malaman kung gumagana pa.

Sirang Cable

Ang pagkasira ng cable ng PLDT landline ay posibleng dahilan rin. I-check kung ito ay ay may sira, putol o kaya naman at patid.

Sira Ang Phone Box

Ang phone box ay maliit na kahon na kung saan naka-connect ang iyong landline. Makikita ito bilang kulay yellow na box na pwedeng nakadikit sa dingdign sa labas ng iyong bahay.

Repair Sa Area

Isa pa sa posibleng dahilan ng walang dial tone na landline ay may inaayos na linya. Itanong sa customer service kung may scheduled repair sa iyong lugar.

Paano Mag Report Ng PLDT Landline?

Kung ikaw ay may technical report o request, tumawag lamang sa 88888171.

Pwede mo ring gamitin ang 171 para magreport

Ano Ang Schedule ng PLDT Customer Service Office Hours?

Ang customer service ay available Monday to Friday 8 AM to 7 PM

Bukas ba ang PLDT customer service kapag Sabado at Linggo (Saturday and Sunday Schedule).

Oo, ito ay mula 8 AM to 5 PM.

Pwede Bang Hindi Bayaran Ang Bill Kapag Walang Dial Tone?

Ang PLDT ay nagbibigay ng pro-rated na bayad monthly kung hindi mo nagamit ang phone nang matagal. Ibigay lamang ang details ng iyong account at kung kailan nagsimulang hindi mo na nagamit ang landline.

Masisira Ba Ang Landline Kapag Naka Connect sa Fax Machine?

Ang landline na naka connect sa fax machine ay karaniwang ginagamit para makapag send o receive ng fax tone.

error: Copyright Protected!