May internet data ka ba? Kahit na ikaw ay gumagamit ng Smart, Sun o Globe SIM, pwede ka na mag share ng connection. Alamin kung paano pwedeng gawing wifi ang cellphone.
Steps Para Maging Hotspot Ang Cellphone sa Tethering
Paano ang tethering o wifi hotspot sa Android phone? Alamin ang steps para mag-share ng internet gamit ang mobile data.
- Step 1 Siguruhin na may sapat na mobile data internet and sim card mo.
- Step 2 Pumunta sa Settings at hanapin ang networks
- Step 3 Pwede mo rin i-slide down and screen para lumabas ang ready menu. Pindutin lamang ang “Hotspot”
Sa ibang phones, ito ay pwedeng Hotspot, Hotspot and Tethering o kaya Wi-fi Hotspot button.
Step 4 Siguruhin na maglagay ng password. Ito ay para hindi maubos ang mobile internet data kapag may ibang taong gusto mag-connect.
Ayaw Gumana Ang Mobile Hotspot o Tethering
Kung ayaw mag-connect ang ibang devices sa iyong mobile hotspot, i-check mabuti kung tama ang passwords na pinapasok ng ibang devices. Ito ay case sensitivie na dapat eksakto ang characters, symbols at capital letters.
Mahina Ang Tethering Hotspot Internet
Kung mahina ang signal ng hotspot mobile phone, importante na ikaw ay pumuwesto sa open area na lugar. Ito ay katulad rin ng router na kung saan pwedeng humina ang signal kapag masyadong malayo o may nakaharang.
Pwede Bang Gawing Internet Hotspot Ang Phone Kapag Connected sa Wifi Router?
Sa maraming phones, hindi ito posible. Pwede ka lang maging internet hotspot kung gagamit ka ng mobile data na 4G o 5G.
Requirements na Speed Para Maging Mobile Data Hotspot Wifi
Mas maganda kung ang SIM card ay LTE na may 4G pataas ang speed. Kung HSPA naman ang signal, pwede pa rin ito pero may kabagalan.
Battery Life ng Phone kapag Mobile Hotspot
Tandaan na mas mabilis ma-drain ang battery ng phone kapag ginamit itong wifi router mobile hotspot.