Kinain ba ng ATM ang iyong card? Pwede itong mangyari kapag masyadong marami na ang subok mong ilagay na PIN at ito ay nadetect na ng machine. Huwag mag-alala dahil pwede mo naman mabawi ang card mo.
Paano Makukuha ang Kinain ng ATM Card?
- Importante na siguruhin na ang iyong card ay nakapasok na sa loob ng machine at hindi ito makukuha ng ibang tao.
- Matapos masiguro, ikaw ay tumawag sa hotline ng iyong banko at i-report ang na-capture na ATM.
Phone Numbers ng mga Banko Bank Hotlines
Kung ikaw ay nasa katabing banko ng iyong ATM, pwede kang humingi ng tulong sa mga teller sa loob. Huwag hihingi ng tulong sa kahit sino na hindi taga banko. Huwag hayaan ang ibang tao na tulungan ka sa card capture sa ATM.
Ilan Beses Pwede Magkamali sa ATM PIN
Ilang beses pwede ang wring PIN sa ATM? Maraming banks ang nagbibigay lamang ng hanggang 3 times na wrong PIN. Kapag naabot na ito, pwedeng makain ang ATM card.
Paano I-lock Ang Kinain na ATM Card
May mga banks na pwede mong i-lock o i-block ang ATM gamit ang kanilang mobile App. Mag log in lamang at pinduting ag card lock o card block feature.
May Bayad Ba Ang ATM Card Replacement?
Depende sa banko ikaw ay pwedeng macharge simula P 150 pataas kung hindi na pwedeng makuha ang iyong ATM.
Requirements Sa ATM Replacement Dahil Nakain
May ilang bangko na kailangan ang mga sumusunod bago ka bigyan ng bagong ATM card.
- 2 Valid IDs
- Proof ng iyong account
- Affidavit of loss
Gaano Katagal Mababawi ang Kinain na ATM
Depende ito sa banko at pwedeng tumagal ng isang linggo bago makuha ang iyong card o mapalitan. Kung business days naman, pwede mo makuha ang iyong ATM card kaagad.