Paano Gamitin Ang Faktu Ointment Cream

May almoranas ka ba o kaya naman iritasyon sa butas ng puwet? Kung ikaw ay nagpacheck up na sa doktor, maaaring ikaw ay binigyan ng reseta para sa Faktu cream. Ito ay ginagamit para mabawasan ang pamamaga sa iyong puwet at loob nito.

Paano Ginagamit ang Faktu?

Ang cream na ito ay may espesyal na lagyanan na parang katulad ng toothpaste. Ngunit may kasama itong parang tube sa dulo na siyang pinapasok sa loob ng puwet para mailagay ang cream.

Importante na maluwag ang butas ng puwet bago ipasok ang tube. Dapat itong gawin nang nakarelax ang katawan at huwag puwersahin. Dahan dahang ipasok ito sa butas at marahang pigain ang tube para lumabas ang cream habang nasa loob ng puwet.

Gaano Kadalas Ito Dapat Gamitin?

Depende ito sa sasabihin ng iyong doktor. Alamin ang dosage mula sa kanya upang maging mabisa ito.

May mga version nito na suppository at pwede mo ring itanong sa iyong doktor kung ano ang dapat mong gamitin. Magkano ang Faktu cream ointment? Depende sa botika ngunit may kamahalan ito mula 900 to 1200.

error: Copyright Protected!