Lagi ka bang napupuyat? Kung hindi makatulog sa gabi, importante na malaman mo kung paano gamutin ang insomnia (insomniya). May mga hakbang na pwede mong gawin para mas madali kang makatulog.
Ano Ang Mabisang Pampatulog ng Mahimbing
Isa sa mga pagkain na pampatulog ay gatas. Ito ay may sangkap na nakakatulong para mas maging kalmante ang iyong pakiramdam. Ito ang magbibigay sa iyo ng magaan na tulog sa gabi.
Pwede ka rin magbasa ng libro na walang pictures. Ito ay pwedeng pampaantok para hindi mo na kailangan magpuyat sa gabi.
Gamot Para Sa Hindi Makatulog
Sa mga botika, maaari kang makabili ng mga supplement para sa pagtulogy. Ngunit importante na alamin mo muna sa pharmacist o sa doktor kung safe ba para sa iyo na uminom ng sleep supplements.