Kailangan mo bang magsulat ng essay? Ang ganitong project ay binibigay sa mga estudyante maging sa elementary, high school at college. Importante na malaman mo ang mga parts nito para mas madali kang makakabuo ng essay.
Paano Gumawa ng Essay?
Ang pagsulat ng essay ay pwedeng hatiin sa talong bahagi.
Ang introduction ay ang unang paragraph kung saan pinapakita mo ang topic ng iyong sinusulat.
Ang susunod ay Body na kung saan mo sinasabi o tinatalakay ang topic. Pwede itong magkaroon ng kahit ilan na paragraphs basta siguruhin mong nabanggit mo lahat ng kailangan sabihin tungkol sa paksa.
Ang pinakahuli ay ang Conclusion na siyang magtatapos ng iyong diskusyon.
Ano ang Thesis Statement?
Ito ay karaniwang isang opinyon ng tungkol sa topic na isusulat mo. Dito nagsisimula ang lahat ng diskusyon na tatalakayin mo sa loob ng essay. Madalas, isang sentence lang ito na may pinakabuod ng iyong isusulat.