Gusto mo ba magnegosyo para madagdagan ang iyong kita? Ang isa sa popular na option ay pagkakaroon ng food cart. Iba iba ang pwede mong ibenta na pagkain gaya ng fish balls, gulaman, siomai at fries.
Magkano Ang Franchise Ng Food Cart?
Ang presyo ng food cart business ay depende sa brand na iyong kukunin. Madalas ang franchise ay mas mahal dahil ito ay may pangalan na. Ang simpleng food cart ay maaaring magkaroon ng presyo mula 70,000 to 200,000 depende sa pangalan.
Ngunit pwede ka rin gumawa ng sarili mong business at ito ay madalas na mas mura lamang. Kung ikaw ay nagbabalak ng maliit na food cart, pwede ka magsimula ng 25,000.
Magkano Ang Capital Ng Food Cart Na Sarili?
Ito ay depende sa produkto na iyong ibebenta. Madalas, ang capital ay nagsisimula ng 10,000 pataas.