Paano Magpatubo Ng Bigote – Balbas At Goatie

Gusto mo ba magpatubo ng bigote, balbas o kaya goatie? May ilang lalaki na gusto ang mabuhok na mukha o yung may facial hair. Minsan, ang pagkakaroon nito ay pwedeng makadagdag ng self confidence.

Paano Patubuin Ang Bigote At Balbas Nang Mabilis?

  • Ang pagtubo ng buhok sa mukha ay depende sa ilang mga bagay:
  • Edad ng lalaki
  • Genes o kung nasa lahi nila ang pagiging mabuhok at balbon
  • Kalusugan

Ano Ang Dahilan ng Mabilis Na Pagtubo Ng Facial Hair?

Sa mga hindi sinasadyang dahilan, may ilang kondisyon na pwedeng magpabilis nang pagtubo ng balbas at bigote. Ilan sa mga ito ay stress, pagpupuyat o kaya naman ay sobrang hormone sa katawan.

Ano Ang Mabisang Produkto Para Magpatubo Ng Bigote O Balbas

Sa ngayon, wala pang eksaktong produkto gaya ng creams, facial lotion at cleansers na pwedeng magpabilis ng pagtubo ng buhok sa mukha. Kumonsulta sa isang dermatologist kung balak mong magpa-hair transplant o anumang cosmetic surgery procedure.

error: Copyright Protected!