Paano Kumuha ng UMID o Unified Multi Purpose ID

Gusto mo na ba magkaroon ng UMID? Kung ikaw ay palaging may problema sa pagkuha ng government IDs tulad ng SSS, Philhealth, Pag ibig at iba pa, ang UMID ang solusyon sa iyong problema. Ito ay iisang ID na lamang na pwede mo gamitin sa iyong mga transaksyon.

Paano Kumuha ng UMID?

Paano nga ba mag-apply ng UMID? Ito ay karaniwang tanong ng mga tao. Ang SSS ang primary issuer ng UMID. Pwede kang mag fill out ng form sa kahit anong SSS branch. Dito, ilalagay mo kung gusto mo na rin mag-apply ng UMID card.

Kailangan mong magdala ng ibang klase ng ID para mapatunayan ang iyong identity. Ito ay pwedeng driver’s license, passport, seamans book, PRC id.

Magkano Ang UMID Application?

Sa ngayon, ito ay P200 at papalitan na nito ang iyong lumang SSS ID. Pwede mo rin iconvert ito bilang ATM sa accredited bank ng SSS.

Gaano Katagal Bago Makuha Ang UMID?

Ito ay maaari mong itanong sa SSS branch.

error: Copyright Protected!