May mantsa ba palagi ang brief mo? Ang mansta na ito ay pwedeng dahil sa iyong ihi o kaya naman ay tamod (sperm) na hindi natatanggal agad kapag ito ay nilalabhan. Upang mas madali itong mawala, may ilang paraan na pwede mong gawin.
Mantsa Ng Tamod Sa Brief (semen)
Sa mga lalaki, natural lamang na magkaroon ng mantsa sa brief dahil sa sperm o ihi. Ito ay mga natitirang likido na lumalabas sa ari matapos makipagsex o masturbation. Ngunit ang mantsa na ito ay pwedeng mag-iwan ng kulay puti sa harapan na bahagi ng brief na pwedeng nanunuyo o nangingitim depende sa kulay ng underwear. Ito ay puting mantsa sa dark colored brief o itim sa puting brief.
Paano Tanggalin Ang Mantsa Sa Brief
Importante na ibabad muna ang briefs ng matagal sa isang detergent soap sa tubig. Matapos ang ilang minuto, pwede na itong kuskusin ng kamay at malambot na brush. Karaniwang hindi ito natatanggal agad sa washing machine.
Upang mas madali ang pagtanggal ng mansta, pwede ring gumamit ng acidic na pangtanggal gaya ng suka o lemon at calamansi. Kusutin mabuti ang bahagi upang matanggal ang mantsa.