Maraming ospital ang may MRI scan. Kung ito ay kailangan mo, dapat mong alamin ang presyo ng scanning para makapaghanda ka ng budget. Ang MRI ay mahal at ito ay depende sa parte ng katawan ng iyong ipapascan.
Mga Ospital Na May MRI
Ang ilan sa mga ospital na ito ay:
- Medical City
- FEU Hospital
- UST Hospital
- Novagen
- St. Lukes Medical Center
- PGH
- NKTI National Kidney
- Capitol Medical Center
Marami pang ibang diagnostic clinics na may MRI at mga ospital kahit sa probinsya.
Presyo
Ang MRI ay pwedeng magsimula sa 6,000 pataas. May iba’t ibang uri nito gaya ng cranial, lumbar, shoulder, legs, abdomen, breast at iba pa. Ito ay depende sa parte ng katawan.
Ang presyo ay mas mahal din kung pipiliin mo ang with contrast at hindi plain. Sa mga private hospitals, ang MRI ay nagsisimula sa 9,000 hanggang 25,000.
Pwede Ko Ba Gamitin Ang Philhealth? Senior Citizen Card?
Oo, pwede mo silang magamit ngunit dapat mong itanong sa ospital kung magkano ang discount. Alamin mo rin kung ang iyong HMO health card ay makakapagbigay ng mas mababang presyo.
Saan Ang Pinakamurang MRI?
Pwede kang pumunta sa government hospitals at manghingi ng referral sa mga doktor kung saan may mura. Kung ang ospital ay may MRI, maaari kang magpa-schedule.